Isinusulong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magkaroon ng probisyon na bawalan ang pagtengga ng pondo sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) at Philippine International Trade Corporation (PITC) hinggil sa 2022 National Budget.
Aniya, ito’y solusyon sa mga kontrobersiyang dulot ng pagtengga ng pondo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa PS-DBM at PITC.
Ginagamit aniya ng mga ahensiya ang PS-DBM at PITC upang mapaikutan ang procurement laws at expiration ng otoridad sa paggamit ng pondo.
Base sa naitala ni Drilon, umabot sa mahigit limang bilyon piso (P50.7-B) ang pondo ng mga ahensya na nakatambak sa PITC mula 2014 hanggang 2020. —sa panulat ni Airiam Sancho