Tinanggal na ng senado ang isang ispesyal na probisyon sa proposed 2021 national budget na nagpapaluwag sa Commission on Elections (Comelec) na bumili ng mga kagamitan para sa automated elections.
Ito ang kinumpirma sa DWIZ ni Sen. Sherwin Gatchalian ayon na rin mismo kay Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara.
Ayon kay Gatchalian, posibleng magdulot aniya ng malaking epekto sa Comelec ang isang probisyon na tila isiningit at posibleng maging ugat ng katiwalian.
Actually hindi ‘yung budgetary, hindi siya line item kundi special provisions. Dapat maintindihan ng ating mga kababayan na pag-usapin ng budget hindi lang po pesos at centavos ang mahalaga doon kundi ‘yungt mga special provisions. ang special provisions ay parang katumbas ng isang batas iyan. For example kapag sinabi na bawal kang gumastos ng ganito o bawal mong gastusin sa ganito. Matatali kaagad ang kamay ng ahensya. ani Gatchalian
Sa ilalim kasi ng nasabing special provision, binibigyan nito ng kapangyarihan ang poll body na balewalain ang lahat ng requirements at safeguards salig sa Section 12 ng Automated Election Law.
Alam ko maraming naka-tutok sa Comelec dahil next year preparations na sa Elections na-detect iyo ng mga abogado na tumututok sa Comelec. Actually to be honest kapag nakita mo ‘yung special provisions sa budget parang inosente lang siya. One sentences, two sentences lang pero malaki ang impact sa operations ng ahensya na iyon. ani Gatchalian —sa panayam ng Usapang Senado