Tiniyak ng isang mambabatas na sa basurahan na ang diretso ng isinusulong na Sexual Orientation, Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) bill sa Kamara.
Ito’y makaraang ibunyag ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na sadyang itinago sa probisyon ng nasabing panukala ang pagsasaligal ng same sex marriage.
Sa isang forum sa Quezon City kahapon, binigyang diin ni Atienza na nakasaad sa isang probisyon sa SOGIE na hindi dapat pagkaitan ang sinuman maging ang lahat ng mga miyembro ng LGBTQ+ community sa pagkuha ng anumang uri ng lisensya kabilang na ang marriage license.
Ayon kay Atienza, ito ang dahilan kaya’t nalinawan ang isip ng maraming mambabatas at nakumbinsing tutulan na ang pagsusulong nito sa mababang kapulungan.
Paglilinaw pa ni Atienza, kaya niya tinututulan ang SOGIE bill ay dahil sa sarili niyang paninindigan at walang sinuman sa simbahan o religious groups ang may kumpas dito.
Sana yung mga pumapanig sa kanila, ‘wag kayong gumamit ng mga maling premises, I’ve never used religious issues on the past, present and on-going debates on this issue because we don’t need to exercise and even claim to our faith and to our church; for the bishops, we can defend doing what is right, it is incorrect to discriminate against those who do not agree with you,” ani Atienza.
Sa panig naman ni Dr. Ryan Capitulo, tagapamuno ng grupong Pro-Life, marami nang naipasang batas na poprotekta sa karapatan ng lahat maging ng nasa LGBTQ+ community kaya’t hindi na kailangan pa ng SOGIE para rito.
Tinututulan ko po yung batas walang nag-udyok sakin na Obispo o Pari, nung nabasa ko lang yung batas noon nagsimula lang po ako nag-post sa social media account ko ng aking objection sa batas at ayun nag-viral shinare ng maraming tao kaya nalaman nila yung stand ko pero wala pong nag-utos sa akin,” ani Capitulo.
Ang tinig nila Buhay Partylist Rep. Lito Atienza at Dr. Ryan Capitulo ng Pro-Life Philippines