Itinalaga ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara ang probisyon sa 2022 National Budget na nag-aatas sa Procurement Service of the Development of Budget and Management (PS-DBM) na ibalik sa National Treasury ang pondong hindi magagamit pagsapit ng Disyembre 31, 2023.
Ani Angara, layunin nitong maiwasang matengga nang matagal sa ps-dbm ang mga pondo ng iba’t ibang ahensya.
Sa ganitong patakaran aniya’y hindi na mauulit ang halos walong taong nakaimbak na pondo dahil sa hindi pa nabi-bid ang mga pinaglalaanang proyekto. —sa panulat ni Airiam Sancho