Agad na ipinatanggal ni Senate President Vicente Sotto III ang probisyon sa proposed 2021 National budget na nagpapahintulot sa Commission on Elections (COMELEC) na mag-waive o balewalain ang patakaran o safeguards sa pagbili ng mga bagong kagamitan.
Ito ay matapos makumpirmang may naisingit na ganitong probisyon sa naipasang 2021 national budget sa senado.
Ayon kay Sotto, delikado ang naturang probisyon kaya agad niya itong ipinatanggal kay Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara.
Aniya, hindi natalakay sa plenaryo ang naturang probisyon kaya masasabing naisingit lamang ito.
Samantala hindi na tinukoy ni Sotto kung sinong senador ang nagsingit ng naturang probisyon.— ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)