Pinagtibay ng Korte Suprema ang probisyon ng Philippine Nursing Act of 2002 na nagtatakda ng mas mataas na salary grade para sa mga nurses.
Idineklara ng Korte Suprema na valid ang Section 32 ng Philippine Nursing Act kung saan itinatakda sa salary grade 15 ang minimum na pasahod sa mga nurses mula sa kasalukuyang salary grade 11.
Gayunman, hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ng mga petitioners na atasan nito ang pamahalaan na ipatupad ang probisyong ito ng batas.
Sinabi ng Korte Suprema na kailangang magpasa ng batas ang Kongreso para sa pondong gagamitin sa implementasyon ng mas mataas na sahod para sa mga nurses.