Kinalampag na ni Senator Grace Poe si Transportation Secretary Arthur Tugade at mga bus operator upang solusyonan na ang kalbaryo ng mga commuter na apektado ng Window Hours Scheme.
Ayon kay Poe, Chairperson ng Senate Committee on Public Services, hindi dapat magpakahirap ang mga biyahero sa kawalan ng masasakyan at mahabang pila.
Sa halip ay dapat anyang magpalingkuran ang mga pasaherong papasok o palabas ng mga probinsya na kapos sa panggastos at walang lugar na matutulyan sa Metro Manila.
Pinatitiyak din ng senador kay Tugade ang kaginhawaan ng mga pasahero na naglalakas-loob pumila ng mahabang oras.
Una nang isinisi ng LTFRB at MMDA sa mga bus operators ang kalituhan sa Window Hour Scheme na nagsisimula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 kinaumagahan.
Sa mga nabanggit na oras lamang maaaring gamitin ng mga provincial bus ang kanilang mga terminal sa Metro Manila. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)