Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na ang African Swine Fever (ASF) ay nananatili pa ring problema na dapat labanan ng bansa.
Ayon kay Dar, ito ay isang pandaigdigang pandemya tulad ng COVID-19 at inaasahang sa taong 2023 pa magkakaroon ng bakuna kontra ASF.
Ipinaliwanag ni Dar na katulad ng COVID-19 pandemic, ang mga bakuna ay kinakailangan para mapuksa ang ASF sa Pilipinas at gayundin sa ibang mga bansa.
Samantala, sinabi ng DA na nanatiling optimistiko ang industriya ng baboy na magkakaroon ng momentum ngayong taon at makakabawi mula sa mga pagkalugi na natamo nito dahil sa pagsiklab ng ASF noong 2019. —sa panulat ni Kim Gomez