Matatagalan pa ang nararanasang pagbaha sa Maynila tuwing umuulan.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson, ito ay dahil sa susunod na taon pa matatapos ang Bluementritt Floodwater Interceptor Project na siyang nakikitang long term solution sa pagbaha partikular sa Espanya Boulevard.
Sa oras na matapos ang naturang proyekto, inaasahang mababawasan ang pagbaha sa Quezon City, Bluementritt, Aurora Blvd., Rizal Avenue at Hermosa sa Tondo.
Una nang ipinanukala ng DPWH na hukayin ang football field sa University of Sto. Tomas upang pansamantalang maging bagsakan ng tubig ngunit tumanggi dito ang mga estudyante at ang pamunuan ng paaralan.
By Rianne Briones