Kuwestyonable ang plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang writ of habeas corpus dahil sa malalang problema sa illegal drugs.
Ayon kay Father Ranhilio Aquino, Dean ng San Beda Graduate School of Law, hindi puwedeng gawing basehan sa suspension ng writ of habeas corpus ang problema sa illegal drugs.
Bahagi ng pahayag ni Fr. Ranhilio Aquino
Sakaling ituloy ito ng Pangulo, sinabi ng Aquino na maaari itong idulog sa Korte Suprema.
Hindi sinagot ni Aquino ang katanungan kung puwede itong maging basehan ng impeachment laban sa Pangulo, sa halip, nagpahayag ito ng pag-asa na may magpapayo ng maayos sa Pangulo.
Bahagi ng pahayag ni Fr. Ranhilio Aquino
By Len Aguirre | Ratsada Balita