Aminado ang Philippine National Police (PNP) na hindi pa rin tuluyang natutuldukan ang problema sa iligal na droga sa bansa.
Ito ang pahayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa kabila ng pagbaba ng bilang ng krimen sa bansa nitong Mayo ngayong taon.
Sinabi ni Albayalde na hanggang ngayon ay marami pa rin silang nahuhuling sangkot sa iligal na droga, gayundin ang mga nakukumpiskang illegal drugs sa pakikiisa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement agencies.
Patunay aniya ito na malala pa rin ang problema sa iligal na droga dito sa bansa.
Sa kabila nito, patuloy aniya ang positibong epekto ng kampanya kontra droga ng pulisya dahil sa pagsigla ng peace and order situation sa bansa.
Unang-una, ito pong war on drugs natin, although masasabi natin na talagang we are winning in our war against drugs dahil ang patunay po dito ay ‘yung patuloy na pagganda ng ating peace and order situation. Although inaamin po natin, talagang may problema pa rin tayo dahil sa dami pa rin ng nahuhuli natin,” ani Albayalde.
Ratsada Balita Interview