Dadaanin ng Pilipinas sa diplomasya ang problemang nararanasan sa haze dulot ng malawakang pagkakaingin sa Indonesia.
Inihayag ni Pangulong Noynoy Aquino na idudulog niya sa ASEAN Summit sa Malaysia sa susunod na buwan ang naturang problema upang makabuo ng hakbang ang mga bansa sa Asya kung paano malutas ito.
Inatasan na ng Pangulo ang Department of Science and Technology o DOST para maghanap ng solusyon kung paano mapigilan ang epekto ng haze sa kalusugan ng mga Pilipino.
Bukod sa Pilipinas, mas lalong apektado ng haze ang Singapore at Malaysia at iginigiit na ang pagbabayad ng danyos ng Indonesia dahil sa perwisyo at peligrong dulot ng usok sa kalusugan ng tao.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)