Iminungkahi ng isang grupo na i-shutdown na muna ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) dahil sa mga kapalpakan sa serbisyo nito.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Elvira Medina, National President ng National Center for Commuter Safety and Protection, na sa ganitong paraan ay maaayos ang sistema.
Ipinaliwanag ni Medina na dapat mayroong contigency measure sakaling i-shutdown ang mass transport system.
“Hindi po nangangahulugan na basta na lang ito isasara, kailangan magkaroon ng alternative solution doon sa ground level naman, ibig sabihin hindi dapat pabayaan ang ating mga commuters at kailangan ihanda at magkaroon ng sapat na sasakyan.” Ani Medina
Gayunman, hindi pabor ang grupo sa inihihirit ng ilang sektor na bawas-pasahe sa MRT at LRT dahil hindi umano ito tugon sa naturang problema.
“Ang solusyon ay talagang isaayos ang ating mass transport system, di po yung paputol-putol yung tinatawag natin na band-aid solution, dapat yung comprehensive solution.” Pahayag ni Medina.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita