Tiniyak ng Malacañang na sinusulusyunan na ng pamahalaan, ang problema sa penal system ng bansa.
Ito ang tugon ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, sa panawagan ng isang mambabatas na i-audit ang mga detention center, upang matanggal na ang mga overstaying na bilanggo.
Ayon kay Coloma, inihahahanda na din ang gagawing bidding para sa Public Private Partnership, para sa pagtatayo ng bagong piitan.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)