Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na patuloy niyang tutugunan ang mga problema sa pabahay sa kabila ng pagbibitiw niya sa pwesto bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Ayon kay Robredo, kahit wala na sa HUDCC, hindi nito maiiwan ang kanyang adbokasiya sa pabahay kaya pinulong niya ang kanyang staff upang ipaalam sa kanila na kabilang na sa kanilang mga magiging proyekto ang pabahay.
Sinabi ni Robredo, kahapon lamang nalaman ng kanyang mga tauhan ang desisyon nitong magbitiw sa pwesto.
Gayunpaman, iginiit ng Pangalawang Pangulo na hindi porke’t hindi na ito kabilang sa gabinete ay wala na itong gagawin.
Sa katunayan, aniya, marami nang ginagawa ang Office of the Vice President bago pa man siya itinalagang pinuno ng HUDCC.
By: Avee Devierte