Tuloy ang banta ng Aduana Business Club (ABC) na ipaparalisa nila ang port operation ng isang linggo simula sa Lunes, Marso 7.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni ABC President Mary Zapata na hindi nababawasan ang problema ng mga trucker at broker kundi padagdag pa ng padagdag.
Binigyang-diin pa ni Zapata na kung tutuusin, hindi naman nakatulong ang terminal appointment booking system o TABS kaya’t patuloy nilang ipapanawagan ang pagbasura rito.
Hindi rin aniya tototo ang sinasabi ni Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras na tapos na ang problema sa port congestion.
“Sinasabi lagi ni Cabinet Secretary Almendras na ang port congestion is over, possibly part of it is over kasi lumiit ang kargamentong dumarating sa ating pantalan, ang sinasabi namin if they can really prove at since nung October na nag-implement sila sa south harbor wala kaming nakitang palatandaang naging mabuti, ngayon lang sa pagkakataong ito since January nagiging maayos sa south dahil ang kargamentong dumadating sa south harbor lumiit at lumipat sa MICT, pero kung nataong ang volume natin ay kasinglaki nung mga volume ng mga nakaraang panahon, naku problema na ito, port congestion na ito ulit.” Pahayag ni Zapata.
Dagdag pa ni Zapata, nasa kamay na ng Malacañang kung sa tingin nito ay maaaari silang makasuhan ng economic sabotage.
“Kuing sa tingin ng Malacañang yung magsabi ng sentimyento, at magsabi ng problema at maglahad ng proposed solution na hindi tugma sa kanilang gusto ay kasalanan, nasa kanila yun. Pero yung magpa-implementa ng ganitong sistema na may kaakibat na malaking pera na ni IRR wala pa hanggang ngayon at wala man lang executive order o memorandum circular hindi ko rin alam kung tama yun kasi di naman kami abogado.” Pahayag ni Zapata.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita