Gumagawa na ng hakbang ang Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry, para tugunan ang pagtaas ng presyo at mababang suplay ng manok sa bansa.
Ayon kay Reildrin Morales, Director ng BAI OIC, kabilang sa ilalatag na solusyon ay ang pagpapaluwag sa transportasyon ng sisiw at itlog, mula sa Mainland Luzon basta negatibo sa Avian influenza.
Makikipagtulungan din ang BAI sa mga pribadong sektor, para sa regular na validation ng mga Broiler life cycle model.
Sa ngayon, nagpalabas na ang DA ng temporary ban para sa mga manok na manggagaling sa Spain, Denmark, at Czech Republic.
Kabilang din ang pakikipag-usap ng DA sa ibang bansa para sa mas murang patuka.
Ang pagtaas ng produksyon ng mga pangunahing pagkain sa Pilipinas tulad ng mais at feeds ang panguhing prayoridad ng Administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.