Lumabas sa pagaaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na hindi lamang sa Edsa ang may matinding problema sa daloy ng trapiko kundi sa buong Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, nakita sa ginawang pagsisiyasat ng JICA na mayroong mahigit 300 ‘traffic choke points’ sa kalakhang Maynila.
Ani Lim, partikular na kanilang tinututukan sa pagbuo ng solusyon ay ang problema sa naturang mga choke points.
Ngunit kapag may inihahaing panukala para resolbahin aniya ang trapiko ay nagkakaroon naman ng problema.
Magugunitang pinatigil ng Korte ang implementasyon ng Provincial bus ban sa Edsa.