Natugunan na ng Philippine Football Federation (PFF) ang problema sa transportasyon ng mga football teams.
Ayon kay PFF President Nonong Araneta, nakipag ugnayan na sila sa Ceres Transport, ang pinakamalaking bus provider sa bansa at nakuha nila ang serbisyo nito sa discounted na presyo.
Sinabi ni Araneta na nakakuha sila ng 18 buses mula sa Ceres, 11 dito ang para sa mens team at anim hanggang pitong bus ang para sa womens team.
Matatandaan na isa ang transportasyon sa mga naging problema pagdating ng mga football athletes sa NAIA.