Isinisi ng Malakanyang sa nakalipas na administrasyon ang problema sa transportasyon sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang problema sa LRT at MRT ay bunga ng kapabayaan at kapalpakan ng mga nakaraang administrasyon.
Aniya, patuloy ang pagsisikap ng Duterte Administration para mapabuti ang transportasyon at trapiko sa bansa gaya ng isinagawang rehabilitasyon sa MRT at LRT, konstruksiyon ng Metro Manila Subway, MRT – 7, LRT – 1 Cavite Extension at PNR Clark.
Sinabi rin ni Panelo na dati pa ay humirit na si Pangulong Rodrigo Duterte ng emergency powers para matugunan ang problema sa trapiko ngunit hindi ito ibinigay ng Kongreso.
Una nang binatikos ng grupong BAYAN ang pahayag ni Panelo na walang transporation crisis sa bansa dahil malinaw na pagpapakita ito na hindi alam ng opisyal ang hirap na nararanasan ng mga commuter.