Ngayon pa lamang ay dapat nang masusing pag-aralan ng susunod na pangulo ng bansa kung paano lulutasin ang patuloy na lumalalang problema sa trapiko sa Pilipinas partikular na sa Metro Manila.
Ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, limang taon na ang nakalilipas ay sinabi na niya na malamang hindi na angkop na tirhan ang Maynila dahil sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Giit ni Recto, dapat isaalang-alang ang inaasahang paglaki ng populasyon sa 125 milyon pagsapit ng taong 2022.
Dahil dito, sinabi ni Recto na kailangan talagang tutukan nang husto ng mga susunod na lider ang paglutas sa naturang problema.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)