Matagal na sanang nalutas ang problema sa trapiko sa Metro Manila kung hindi agad naantala ang mga proyektong sinimulan ng mga nakalipas na administrasyon.
Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary-General Ernesto Pernia, maraming project ang hindi itinuloy ng nakaraang administrasyon kaya’t maraming magagandang proyekto ang natengga.
Sa ilalim anya ng Duterte administration, itinutuloy ang mga proyekto basta’t makabubuti sa taumbayan.
Ginawang halimbawa ni Pernia ang NLEX at SLEX na matagal natapos dahil hindi ito itinuloy ng mga nagdaang administrasyon.
Kung nagawa anya ang mga ito ng mas maaga ay hindi na sana nararanasan sa ngayon ang matinding traffic sa Metro Manila.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping