Sa susunod na buwan ay posibleng maibsan na ang problema sa tubig.
Ito ayon sa PAGASA ay dahil sa darating na buwan partikular sa huling bahagi nito ay mararanasan na ang pag-ulan.
Kasabay nito, sinabi ng PAGASA na nakabawi na ang ilang probinsya sa Mindanao dahil umulan na sa rehiyon.
Department of Water
Tinutukan sa idinaos na cabinet meeting ang paglikha ng Department of Water.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tinalakay din sa pulong ang panukalang pagtatag sa Department of Disaster Resilience para matugunan ang epekto ng El Niño at kakapusan ng supply ng tubig.
Pinag-usapan aniya ang immediate, medium at long term interventions tulad nang pagpapaigting ng water at energy conservation.
Bukod dito, inihayag ni Panelo na pinag-usapan din sa cabinet meeting ang dredging ng waterways, replacing tunnels and aqueducts, paglalagay ng water tank systems sa lahat ng DOH hospitals at pagbibigay ng pondo para sa pagtatayo ng water treatment plants.
Inilatag naman ni NEDA Undersecretary Adoracion Navarro ang panukalang executive order na magpapaigting sa National Water Management Council.
Sa ilalim ng panukalang EO, pag-iisahin na ang NWRB at river basin control office bilang national water management council.
Dahil dito, magkakaroon na ng streamlining at mapag-uusa ang planning at regulation sa lahat ng water at river basins sa buong bansa at kalaunan ay babalangkasin ang national water management framework plan.
—-