Inihayag ng Alliance of Health Workers (AHW) na umaabot ng 12 hanggang 16 oras kada araw ang trabaho ng ilang health workers dahil sa problema sa understaffing.
Ayon kay AHW President Robert Mendoza, wala pa ring pagbabago ang sitwasyon ng mga health workers sa ngayon dahil mayroon na talagang ‘chronic understaffing’ kahit wala pang pandemya.
Kahit bumaba na aniya ang kaso ng COVID-19 sa NCR o sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ay ganoon pa rin ang serbisyo na ibinibigay ng mga nasabing manggagawa dahil sa sinasabing standard ng Department of Health (DOH) noon na 1 nurse is to 12 patients o mula nang magkaroon ng COVID ay naging 1 nurse is to 3 patients.
Samantala, nanawagan si mendoza hinggil sa mga utang na benepisyo sa mga health workers at tutulan ang bagong one COVID-19 allowance scheme ng DOH. - sa panulat ni Airiam Sancho