Pinaikli na ng Bureau of Customs sa limang araw ang processing time ng mga kargamento sa Aduana.
Ito, ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing mabilis ang mga transaksyon sa B.O.C.
Sa Memorandum Order 24-2017 ni Lapeña, dapat magkaroon ng five-day mandatory timeframe upang tumugon sa lahat ng kliyente sa oras na matanggap ang mga dokumento.
Ang pagka-delay anya ang dahilan nang panunuhol ng mga importer sa mga B.O.C. personnel kaya’t napipilitan silang maghanap ng mga taong mag-po-proseso ng kanilang shipments sa mabilis na paraan.