Gaganapin na sa February 19 ang proclamation rally ng presidential candidate na si Norberto Gonzales.
Ayon kay Rodney Jagolino, Chief of Staff ni Gonzales, magaganap ito sa World Trade Center sa Pasay City.
Naglingkod si Gonzales bilang National Security Adviser sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Nasa ilalim ito ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP).
Nitong Martes nagsimula ang 90-day campaign period para sa mga kandidato sa pambansang posisyon, para sa 2022 Eleksyon na gaganapin sa Mayo a-9. —sa panulat ni Abby Malanday