Isinulong ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang pag-amyenda sa ‘procurement law’ na naglalayong makabili ang gobyerno ng mga produkto na kapantay ang kalidad sa merkado sa mas mababang presyo.
Ito, ayon kay Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means, ang kailangan kapag mataas ang presyong alok ng mga rehistradong ‘bidders’ o nagbebenta ng mga produkto.
Una nang pinuna ng Commission on Audit (COA) ang ilang ahensya ng gobyerno na bumili ng mga kailangan ng kanilang tanggapan sa presyong ubod ng taas kumpara sa presyong mura lamang sa mga pamilihan.
Sa hearing ng Committee on Public Accounts, inihayag ng COA na gumastos ang Department of Health ng P11.9-M para sa 31 units ng ‘videoconferencing equipments’ o katumbas na P380,000 bawat unit nito gayong mabibili lang sa halagang P120,000 o P260,000 higit na mura bawat isa. —sa panulat ni Drew Nacino