Tuluyan nang pinagbawalan ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival o MMFF ang mga producer at direktor ng pelikulang Oro na sumali sa festival sa loob ng isang taon.
Ginawa ng Executive Committee ang desisyon matapos ang kanilang pagpupulong.
Sa nasabing pulong, binigyang diin ng Executive Committee na kinokondena nila ang anumang uri ng pagmamalupit sa hayop.
Nagpalala pa sa sitwasyon ang pagsisinungaling ng isang kinatawan ng Oro matapos nitong itanggi na walang nasaktang hayop sa pelikula.
Ayon sa Executive Committee, dapat nagpapamalas ng hustisya at katapatan ang mga kalahok sa MMFF.
Bago ito, una nang binawi sa pelikulang Oro ang Fernando Poe Junior Memorial Award for Excellence dahil sa insidente.
By: Avee Devierte / Allan Francisco