Pinagmumulta ng Food and Drug Administration o FDA ang French pharmaceutical company san Sanofi Pasteur ng P100,000.00.
Ito ay kaugnay sa product registration ng kumpanya sa kanilang anti – dengue vaccine na dengvaxia na lumikha ng napakalaking kontrobersiya lalo na sa daan libong mga kabataan na nabakunahan nito.
Kasunod nito, sinuspinde din ng FDA ang Certificate of Product Registration o CPR ng dengvaxia sa loob ng isang taon dahil sa kabiguan ng Sanofi na sumunod sa mga regulatory requirements ng ahensya.
Una nang ipinahinto ng FDA ang pagbebenta sa merkado ng dengvaxia makaraang aminin ng Sanofi na posibleng magdulot ng mas malalang epekto ang naturang bakuna sa mga wala pang history ng dengue subalit naturukan na nito.