Umarangkada na ang produksiyon ng 500,000 reusable face masks para sa mga nangunguna sa laban kontra COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, mapupunta sa mga health workers at mga awtoridad na nagbabantay sa mga checkpoints ang kahalati ng mga face masks.
Katuwang ng DOST sa proyekto ang Philippine Textile Research Institute at iba pang kompanya na gumagawa ng tela.
Samantala, kukuha pa ng maraming mananahi ang ahensya lalo pa’t plano nitong gawing 50,000 per week ang kanilang produksiyon mula sa dating 10,000 per week.