Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang produksiyon ng mga baboy sa bansa sa huling bahagi ng taong 2021.
Base sa datos ng PSA, noong October hanggang December 2021, umabot sa 450,000 metric tons liveweight ang kabuuang produksyon ng baboy na mas mababa kumpara sa 4th quarter ng 2020 na umabot sa 515,000 metric tons.
Sa naging report ng Bureau of Animal Industry (BAI), ang mga pangunahing rehiyon na nag-po-produce ng baboy ay ang Northern Mindanao na aabot sa 62,000 metric tons o katumbas ng 13.8% na sinundan naman ng Western Visayas, CALABARZON, Central Visayas at Davao Region.
Ayon sa BAI na African Swine Fever (ASF) parin ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng bilang ng produksyon ng baboy sa bansa. — sa panulat ni Angelica Doctolero