Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na tumaas ng 19.96M metrikong tonelada ang produksyon ng bigas sa taong 2021 mula sa dating 19.2M metrikong tonelada noong taong 2020.
Ayon kay DA Sec. William Dar, tinatamasa na ng mga magsasaka ang epekto ng rice tariffication law dahil tuloy-tuloy na ang pagtaas ng mga naaaning palay sa bansa matapos ang nagdaang bagyo at sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Dar na ang pagtaas ng produksiyon sa bigas ay resulta ng ibinuhos na pondo ng gobyerno mula sa Rice Enhancement Competitive Fund mula nang ipasa ang Rice Tariffication Law. —sa panulat ni Angelica Doctolero