Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Statistics Authority (PSA) na madaliin ang pag-imprenta ng digital version ng Philippine Identification System (Philsys ID).
Ang direktiba ay ginawa ng pangulo matapos makipagpulong kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at sa ilang PSA officials.
Sa nasabing pagpupulong, partikular na natalakay ang printing capacity ng PSA, gayundin ang mabagal na usad ng mga datos at mas mababa sa bilang na inaasahan.
Samantala, sinabi naman ni PSA Undersecretary Dennis Mapa na sinisikap na nilang mapabilis ang produksiyon at pag-iimprenta ng National ID.
Una nang inihayag ng PSA na dahil sa buhos ng mga nagpaparehistro ay naaantala ang pag-imprenta ng National ID cards. - sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)