Tumaas ang produksyon ng asukal o raw sugar ng bansa sa kabila ng inaasahang pagtaas ng presyo ng mga produktong matatamis dahil sa pag-iral ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Batay sa datos mula sa Sugar Regulatory Administration o SRA nakapatagtala ng 515,000 metriko toneladang asukal ang naprodyus hanggang nitong Disyembre 17.
Mas mataas ito ng limang porsyento kumpara sa 489 na porsyentong produksyon ng asukal na naitala sa kaparehong panahon noong taong 2016.
Batay naman sa sugar production output, tinatayang aabot sa 10 milyong kilo ang target na ma-produce na asukal sa taong ito kumpara sa mahigit siyam na milyong kilo noong nakalipas na taon.
—-