Ikinatuwa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagtaas sa produksyon ng bangus sa bansa.
Batay sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), mahigit 100,000 metric tons ng bangus ang na-produce sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo 2021.
Ito ay mas mataas kumpara sa 170,755 metric tons nuong nakaraang taon.
Nangunguna ang Central Luzon sa may pinakamaraming na produce na bangus na may 55,740.14 metric tons habang kasunod nito ang Ilocos Region 47,552.54 metric tons at Western Visayas 44,687.32 metric tons sa bansa.
Habang dumami naman sa ikatlong bahagi ng taong ito ang produksyon ng bangus fry kung saan pumalo na sa 1.8-B piraso ng semilya ang nalikom ng nasabing industriya sa pagtatapos ng Setyembre.