Nagpaliwanag ang Armed Forces of the Philippines o AFP kung bakit sa halip na bumaba ay tumataas pa ang bilang ng mga natitirang miyembro ng Maute terrorist group sa Marawi City.
Ayon kay Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, pinipilit umano ng Maute ang mga bihag, partikular ang mga lalakeng bihag na makipaglaban kasama nila kontra sa tropa ng gobyerno.
Maliban dito, dinoble rin ng Maute ang kanilang produksyon ng mga pampasabog.
Kasalukuyang nasa may 1,500 nang improvised explosive device ang narerekober ng tropa ng 54th Engineering Brigade sa tulong ng security.
—-