Lumago ang produksyon ng itlog ng manok sa bansa sa unang tatlong buwan o first quarter ng taon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, pumalo sa 130,549 metric tons o katumbas ng 7.42 percent na pagtaas sa produksyon ng itlog ng manok sa buong bansa.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang 121,535 metric tons noong unang bahagi ng 2017 at 117,842 sa kaparehong panahon noong 2016.
Ayon kay PSA Social Sector Statistics Service Officer-in-Charge Wilma Guillen, mahigit walumpung (80) porsyento ng kabuuang bilang ng produkyon ng itlog ay mula sa layer chicken habang ang nalalabing bilang ay mula sa native na manok.
—-