Pansamantalang tumigil ang ilang local producers sa produksyon ng manok dahil sa pagkalugi.
Ayon kay United Broiler Raisers’ Association (UBRA) at Philippine Egg Board Association (PEBA) Chairman Gregorio San Diego, mababa ang farm gate price ng manok kaya’t marami ang nagpasyang tumigil.
Umaabot na lamang anya sa 92 hanggang 99 pesos ang farm gate price kumpara sa production cost na 115 pesos.
Samantala, nagtaas na rin ng presyo ang ilang nagtitinda ng manok sa palengke, lalo sa Metro Manila para mabawi ang kanilang puhunan. —sa panulat ni Jenn Patrolla