Apektado rin nang pagtaas ng presyo ng asukal ang mga manufacturer ng gamot.
Ipinabatid ni Higinio Porte, Jr., Pangulo ng Philippine Pharmaceutical Manufacturers Association na apektado ang produksyon nila ng syrup at suspension na ang 20% to 30% formulation ay gawa sa asukal.
Sinabi ni Porte na hindi naman uubrang magtaas ng presyo ang mga gumagawa ng gamot kaya’t umaapela sila sa gobyerno na palakasin ang lokal na produksyon ng asukal.
Ina-absorb na lamang aniya ng manufacturers ang halos 100 pisong halaga na ng refined sugar kada kilo.