Inaasahang mas mataas pa ang produksyon ng palay at mais sa ikalawang bahagi ng taon.
Batay sa ipinalabas na rice and corn situation and outlook ng PSA o Philippine Statistics Authority, inaasahang madaragdagan ng 11.13 percent ang produksyon ng palay, habang 44.58 percent naman sa produksyon ng mais sa pagitan ng Abril hanggang Hunyo.
Ayon sa PSA, nakabawi ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim mula sa naranasang matinding tagtuyot dulot ng El Niño phenomenon noong 2016.
Tumaas din ang ani kada ektarya ng palay mula sa dating 3.64 metriko tonelada kada ektarya ay tumaas sa 3.85 metriko tonelada dahil sa sapat na supply ng tubig at magandang binhi.
Naging maganda rin ang produksyon ng mga rehiyon sa bansa gaya ng Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Penisula, Socsksargen at ARMM, maliban lamang sa Calabarzon at Bicol.
By: Meann Tanbio