Halos hindi lumago ang sektor ng agrikultura sa unang semester ng taon matapos bumaba ng .73 percent ang production rate dahil sa nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang naging produksyon ng palay sa ikalawang quarter ay umabot sa 4 na milyong tonelada o bumaba ng 2.8 percent kumpara sa kaparehong panahon noong 2014.
Ang produksyon naman ng mais ay bumaba din ng 15.7 percent sa ikalawang bahagi ng taon na umabot lamang sa isang milyong tonelada.
Ang kakulangan ng tubig ang pangunahing sanhi ng pagbaba ng produksyon ng mais.
Dahil sa mataas na temperatura, bumaba rin ang produksyon sa sektor ng pangisdaan ng 1.53 percent habang bahagyang nakabawi ang sektor ng paghahayupan partikular ang poultry production.
By Drew Nacino | Monchet Laranio