Posibleng kulangin ang suplay ng bigas sa Pilipinas ngayong tag-ulan.
Ayon kay Department of Agriculture Secretary William Dar, 1.1M metrikong toneladang bigas ang kailangan ngayong tag-ulan.
Nabatid na bumagsak ang produksyon ng bigas sa bansa dahil sa kakulangan ng abono kaya kakaunting magsasaka ang nakakapag-tanim ng palay.
Aminado naman ang DA na aabot sa P30-B hanggang P40-B ang kailangan ng susunod na administrasyon upang matugunan ang nagbabadyang food crisis.