Tinatayang aabot lamang sa halos apat at kalahating milyong metriko toneladang palay ang naani para sa mga buwan ng Enero hanggang Marso ng taong ito.
Batay sa pagtaya ng PSA o Philippine Statistics Authority, mas mababa ang aanihing palay ngayon ng dalawa punto isang porsyento kumpara sa naunang pagtaya na inilabas nuong Enero.
Itinuturong sanhi ng pagbaba ng produksyon ng palay ang pananalasa ng iba’t ibang peste tulad ng daga, rice black bug, tipaklong at stemborer sa mga lugar ng Iloilo, Sultan Kudarat, Leyte, Cavite, Negros Oriental, Guimaras, Misamis Occidental at Saranggani.
Habang malakas na pag-ulan at hangin naman ang siyang naka-apekto sa produksyon ng palay sa mga lalawigan ng Capiz, South Cotabato, Compostela Valley, Aurora, Aklan, Surigao del Norte at Negros Oriental.
By: Jaymark Dagala