Tumaas ang produksyon ng ilang pangunahing gulay at ugat pananim sa bansa sa ikatlong kwarter ng taon.
Sa kabila ito pagbaba ng bilang ng espasyong pagtataniman ng gulay.
Sa pinakahuling datos ng philippine statistics authority (PSA), ang mga gulay na tumaas ang produksyon ay ang ampalaya, mongo, repolyo, talong, sibuyas, kamatis, patatas, kamote at kamoteng kahoy.
Ang Northern Mindanao ang nangunang producer ng kamatis, CALABARZON sa ampalaya, Eastern Visayas sa kamote, Cagayan Valley sa sibuyas at mongo at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa kamoteng kahoy.
Sa mga pangunahing pananim naman na gulay at ugat, ang patatas, talong, ampalaya at sibuyas ang may mataas na lugar na itinanim.