Sisimulan na sa bansa ang produksyon ng personal protective equipment (PPE) para sa mga medical health workers na nasa frontline ng laban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson secretary Karlo Nograles, ito’y sa pakikipagtulungan ng Confederation of Wearable Exporters of the Philippines (CONWEP).
Ani Nograles, napagkasunduan ng pamahalaan at CONWEP na magproduce ng hindi bababa sa P10,000 medical grade PPEs kada araw.
Inaasahan na umano ngayong linggo ang pagdating sa bansa ng mga materyales na gagamitin sa produksyon ng mga PPEs.