Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ang higit na kailangan ngayon ng mga magsasaka sa Nueva Ecija ay karagdagang cold storage lalo’t isang beses lamang sa isang taon umaani ng sibuyas.
Hindi naman aniya agad-agad naibebenta ang sibuyas sa merkado kung kaya’t kinakailangan na itabi ang mga ito.
Ipinabatid ni Piñol na kapag nasa cold storage ang sibuyas, karagdagang gastos ulit ito at pagnagkataon, may epekto ito sa presyo ng sibuyas sa merkado.
By Meann Tanbio
Produksyon ng sibuyas sa bansa bumubuti na—DA was last modified: May 3rd, 2017 by DWIZ 882