Unti-onti nang nagbabalik sa normal ang produksyon ng isdang tawilis sa Taal Lake, Batangas matapos ang dalawang buwang seasonal closure.
Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources-CALABARZON na nakatanggap sila ng mga ulat na muling nakahuhuli ng tawilis ang mga mangingisda sa lawa makaraan ang spawning period.
Pinag-aaralan na rin ng mga partner scientist ng d.e.n.r. at mga eksperto mula Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang naging epekto ng ban sa paghuli ng nabanggit na isda simula Marso hanggang Abril.
Napansin naman ng DENR na malaki ang ibinaba ng fishing activities sa lawa dahil sa pagbabawal na manghuli ng tawilis noong breeding season.