Bumaba ng 1.5% ang agriculture output ng bansa sa ikalawang quarter ng taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba ang produksyon ng 1.5% sa second quarter kasunod ng -3.4% ng unang quarter at -3.8 ng huling quarter ng 2020.
Paliwanag pa ng PSA, maiuugnay ito sa pagbaba ng livestock na bumaba ng 19.3% at fisheries production na bumaba ng 26.3% pero ang pagtaas ng produksyon ay nakita sa mga crops at poultry.—sa panulat ni Rex Espiritu