Mas pinalakas ng Department of Agriculture ang produksiyon ng Agricultural Products sa bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ginagawa na ng Da ang ibat-ibang hakbang upang pataasin ang produksiyon na magpapaganda sa ekonomiya ng Pilipinas.
Layunin din nitong mapababa sa abot-kayang halaga ang presyo ng mga local product sa ibat-ibang pamilihan sa Metro Manila.
Ayon kay Pangulong Marcos, dahil sa inflation, napipilitan ang bansa na mag import ng produkto kung saan, nakikipag-ugnayan na siya sa mga opisyal ng DA maging sa mga pribadong sektor para pagtuunan ng pansin ang mga programa ng pamahalaan na magpapalakas sa produksiyon ng mga produkto.
Sa kabila nito, tiniyak ni pbbm, na patuloy na isusulong ng DA, ang agri-fishery practices, pagandahin ang competitiveness ng agri-fishery products, at lalong mapalago ang kita ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda.