Plano ng Department of Agrarian Reform (DAR) na gawing online ang pagbebenta ng ani ng mga Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO).
Ayon kay DAR secretary Conrado Estrella III, palalawakin ang kasalukuyang DAR database upang maisama ang impormasyon kaugnay sa estado ng mga lupang sakahan na ipinamahagi sa magsasakang benepisyaryo.
Sa pamamagitan anya ng Online selling malalaman ng publiko at mga buyer kung kailan mag-aani at saan makakapag-order ng maramihan bago pa mag-anihan.
Gayunman, aminado ang Kagawaran na magiging hamon ang nasabing plano dahil hindi lahat ng magsasaka ay may kaalaman sa internet. —sa panulat ni Jenn Patrolla